MANILA, Philippines – Patuloy na nakakaapekto sa bansa ngayong Martes, Mayo 5 ang easterlies.
Ayon sa PAGASA, ang Zamboanga Peninsula at Palawan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC