Home NATIONWIDE Eastern Samar niyanig ng M-4.9 na lindol

Eastern Samar niyanig ng M-4.9 na lindol

2
0

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Maydolong, Eastern Samar nitong madaling araw ng Lunes, Agosto 10.

Naramdaman ang lindol sa ilang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Northern Samar at Leyte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Tumama ang lindol 1:05 ng madaling araw at may lalim na 34 kilometro.

Ang epicenter nito ay naitala dalawang kilometro timog kanluran ng Maydolong.

Naramdaman ang Intensity IV ng lindol sa Borongan City, Eastern Samar.

Naitala rin ang instrumental intensity III sa Sulat, Eastern Samar, habang Intensity II naman sa Basey at Villareal sa Samar; Can-avid sa Eastern Samar; Palapag at San Roque sa Northern Samar; at Dulag, Alangalang, Abuyog at Palo sa Leyte.

Samantala, naitala naman ang Intensity I ng lindol sa Rosario at Mapanas sa Northern Samar; Gandara at San Jorge sa Samar; at Mahaplag at Hilongos sa Leyte.

Walang inaasahang pinsala sa lindol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here