Home HOME BANNER STORY Situation briefing sa epekto ng Habagat ngayong umaga, pangungunahan ni PBBM

Situation briefing sa epekto ng Habagat ngayong umaga, pangungunahan ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – NAKA-ANTABAY ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa isasagawang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang situation briefing ay pangungunahan ng Pangulo sa gitna ng tuloy- tuloy na pagmomonitor ng Chief Executive sa epekto ng pananalasa ng habagat sa maraming lugar sa bansa gaya ng Luzon area.

Alas-9:00 ng umaga nakatakdang magsimula ang situation briefing kung saan ay inaasahang hihingan ng update ng Pangulo ang mga concerned government agencies hinggil sa mga ginawa at ginagawa pang aksiyon kaugnay ng pananalasa ng sungit ng panahon.

Sa briefing ay inaasahang mabibigyan din ng mga pinakahuling ulat ang Pangulo kung pag- uusapan ay lagay ng mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad, naging epekto ng habagat sa mga imprastraktura at tulong ng naihatid sa mga apektadong residente

Hindi rin malayong magbigay ng bagong mga direktiba ang Punong Ehekutibo kasunod ng mga matatanggap nitong ulat na ipe- presenta sa kanya ng ibat- ibang Kagawaran.

Una ditoy nagbigay na ng kautusan ang Pangulo sa mga concerned agencies na manatiling naka- heightened alert habang pinatitiyak din na siguraduhin ang kaligtasan ng mga komunidad sakaling magpapalabas ng tubig sa mga dam. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here