Home ENTERTAINMENT EB, nag-emergency meeting?

EB, nag-emergency meeting?

Manila, Philippines – Hindi maitatangging nagkaroon ng matinding shake-up sa noontime landscape sa telebisyon.

For many, many years now ay nadodomina ito ng Eat Bulaga bagama’t may mangilan-ngilang pagkakataong lumalamang sa ratings ang katapat nitong It’s Showtime.

Pero simula nitong April 6, nag-iba na ang tila direksyon ng hangin.

April 6 nang magsimulang mapanood sa GMA ang Kapamilya show mula sa pinanggalingan nitong GTV.

It took over the time slot vacated by Tape, Inc.’s Tahanang Pinakamasaya.

Surprisingly–or expectedly–nakaungos ang Showtime over EB.

Lampas sa kalahati ang lamang sa ratings ng Vice Ganda-led show.

Ang inakalang “tsamba” lang ay nagpatuloy sa mga sumunod na episodes: April 8, 9 at 10.

In short, EB bit the dust.

Kasabay ng pagkatalo ng longest running noontime sa bansa ang pagkalat ng tsismis na nagkaroon daw ng emergency meeting sa pagitan ng Media Quest Holdings/ TV5 at ang TVJ.

Ang TVJ ay ang comic trio ng magkapatid na Tito at Vic Sotto kasama si Joey de Leon.

Pinapalabas sa kumalat na balita–which was found out to be fake news–na naalarma raw ang TV5 at EB.

Mariing pinabulaanan ito ni Cristy Fermin.

Also with a daily radio program on TV5, ani Cristy, hindi apektado ni bahagya ang TVJ sa kinalabasan ng ratings.

Ang totoo nga raw ay taped episodes ang iniere ng EB nitong April 9 at 10.

“Chill-chill lang ang mga bida na noong araw na ‘yon, eh, naggo-golf…’yun ba ang apektado?!” depensa ni Cristy.

Kahit naman daw noon pa’y mulat ang kaisipan ng mga bumubuo ng EB na may mga times na lumalamang ang Showtime.

Samantala, walang dudang isa sa mga tinatangkilik na segment sa Showtime ay ang

EXPecially For You.

Tinapatan ito ng EB with the segment called That’s My Boyfriend.

Hinamon din ni Cristy ang nagkakalat na mahina raw ang commercial load ng EB.

Payo ni Cristy, mas magandang magbaon daw ng calculator ang taong nagkakalat niyon para bilangin kung ilang spots meron ang

EB sa loob ng per day airing nito.

“Punpuno!” pagpapatunay pa ni Cristy, indikasyon na malakas pa rin daw ang pasok ng mga advertisers ng 44 anyos na noontime show. Ronnie Carrasco III