Home ENTERTAINMENT Echo, nag-aral magmekaniko!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Echo, nag-aral magmekaniko!August 5, 2025 13:472400 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Kung karamihan ng mga celebrity ay nag-eenrol sa culinary class, kakaiba naman ang “trip” ni Jericho Rosales.Mahilig din lang magmotor ang aktor ay related ang kinuha niyang klase sa gabi.Ito’y walang iba kundi pagmemekaniko!On his Instagram, ipinost ni Echo ang video kuha sa isang talyer.Nagbubutingting siya ng motor, kaya naman amoy-gasolina daw siya.But it brought back childhood memories daw.Hindi nga lang masyadong nakakaengganyong panoorin ang video.Taken nang nakatagilid, si Jericho na rin ang nagsabing i-rotate ito kung panonoorin.Bale Night 2 ‘yon ng kanyang basic mechanic class.Todo ang pasasalamat ni Echo sa aniya’y cool teacher niya.Marami namang netizens ang naka-relate sa “trip” ng aktor na pangmayaman, ‘ika nga.Speaking of which, ano kayang expensive motorcycle ang meron si Jericho?Naisakay na kaya niya doon ang nobyang si Janine Gutierrez? Ronnie Carrasco III