Home METRO Lalaking nag-amok patay sa rumespondeng pulis

Lalaking nag-amok patay sa rumespondeng pulis

195
0

ILOILO CITY-PATAY ang isang lalaki matapos mabaril ng rumespondeng pulis makaraan mag-amok ang una at hinabol ng itak ang rumespondeng pulis, nitong Biyernes ng hapon, Agosto 4 sa bayan ng Pavia.

Hindi na umabot pang buhay ng dalhin sa ospital ang suspek na si alyas JR, 33-anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP Chief Police General Nicolas Torre III na napilitan ang isang pulis na paputukan ang lalaki bilang pagtatanggol sa sarili.

“Kaya napilitan ang isa sa ating tauhan na gumamit ng kanilang service [firearm] para ipagtanggol ang sarili,” ani Torre.

Ayon sa ulat, tinawagan ng pamilya ng suspek ang 911 emergency hotline upang humingi ng tulong matapos umanong pagbantaan sila ng lalaki makaraan makaaway nito ang kapatid na babae.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at sinubukang pakalmahin ang lalaki, ngunit naging agresibo ito at patuloy na nagbanta habang may hawak na patalim.

Makikita sa kuha sa CCTV footage na habang papalapit ang pulis para pakalmahin ang suspek at hinabol ito dahilan para mabaril ito ng pulis sa dibdib ng naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Bagamat patalim lamang ang hawak ng suspek, tiniyak ni Torre na iniimbestigahan ang naging kilos ng pulis kung ito ay naaayon sa protocol.

Bunsod ng insidente, pinag-aaralan na ngayon ng PNP kung dapat bang magkaroon ang mga pulis ng non-lethal weapons tulad ng baton o pepper spray upang mas maayos na matugunan ang ganitong klase ng sitwasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here