Home METRO EDSA barriers inararo, sasakyan wasak, nagliyab

EDSA barriers inararo, sasakyan wasak, nagliyab

MAKATI – Wasak ang harapang bahagi ng isang SUV at nagliyab pa matapos na araruhin ang EDSA barriers saka sumampa pa sa center island sa southbound lane ng Guadalupe Bridge sa Makati bandang 4 a.m, ngayong Biyernes, Nob. 29.

Maswerte namang hindi nasaktan ang 41-anyos na lalaking driver.

Aniya, pauwi na siya mula sa trabaho at hindi napansin ang mga barrier habang sumusunod sa isa pang sasakyan. Ang SUV ay tumama sa parehong kongkreto at plastic na mga barrier bago nag-apoy sa ilalim.

Isang motorista ang tumulong sa pag-apula ng apoy, habang ang mga bumbero ng BFP-Makati ay rumesponde sa pinangyarihan.

Na-tow ang sasakyan makalipas ang isang oras, na nagdulot ng matinding traffic sa southbound EDSA. RNT