Home NATIONWIDE EDSA rehab ‘di kanselado sa kabila ng postponement – Dizon

EDSA rehab ‘di kanselado sa kabila ng postponement – Dizon

268
0

MANILA, Philippines- Nilinaw ni Transportation Secretary Vince Dizon na ang rehabilitasyon ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) ay hindi teknikal na kinansela sa kabila ng month-long postponement nito.

Ginawa ni Dizon ang paglilinaw sa interpelasyon ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa Commission on Appointments (CA) panel meeting para busisiin ang kanyang ad interim appointment bilang chief ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Dizon, nais ng Pangulo na mapabilis ang muling pagtatayo ng major thoroughfare mula dalawang taon sa anim na buwan.

Ang Department of Public Works and Highways ang lead agency sa EDSA rehabilitation na dapat sanang sisimulan ngayong Hunyo 3.

Ang estimated budget para sa EDSA rehabilitation na layong gawing modernisado ang major thoroghfare at gawing flood-free ay P8.7 bilyon hanggang sa katapusan ng 2026.

Sinabi ni Dizon na sa 2027, tinatayang aabot sa P15 bilyon ang budget ng DPWH.

Ang EDSA rehabilitasyon ng EDSA ay dapat na maging daan para sa 24 oras na odd-even scheme at ang pag-waive ng toll sa mga bahagi ng Skyway Stage 3, bukod sa iba pang mga interbensyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here