MANILA, Philippines – Maganda na ang kundisyon ng pangangatawan ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena para sa nalalapit nitong pagsabak sa outdoor games.
Ayon sa ulat, lalahok ang World No. 4 sa Abril 26 sa Xiamen leg ng Diamond League.
Sasagupain nito ang mga pamilyar na mga pangalan gayan nina world-record holder at 2024 Paris Olympic gold medalist Armand Duplantis, silver finisher Sam Kendricks at bronze medalist Emmanouil Karalis.
Sa isang interview, sinabi ng ina ni Obiena nasi Jeanette na naka-recover na kanyang 6-foot-2 na anak mula sa kanyang back injury.
Matatandaang hindi na ito sumabak sa 2025 World Athletics Indoor Championships noong Marso para paghandaan ang outdoor.
Noong unang linggo ng Abril, si Obiena ay nanalo sa Taiwan International Pole Vault Championship.JC