Home NATIONWIDE EJK ‘di bahagi ng magiging anti-illegal drugs policy – Remulla

EJK ‘di bahagi ng magiging anti-illegal drugs policy – Remulla

MANILA, Philippines – Siniguro ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Oktubre 14 na hindi magiging bahagi ng kanyang anti-illegal drugs campaign ang extrajudicial killings (EJK).

“Number one, EJK is not part of it,” sinabi ni Remulla sa isang press conference nang tanungin tungkol sa kanyang direktiba sa Philippine National Police (PNP) kaugnay sa laban kontra illegal na droga ng pamahalaan.

Nais din umano niyang tugunan ang supply aspect ng illegal na droga maliban sa demand.

“Number two, the PNP has done very well on the demand side. Drug cases are up. They have seized record number of drugs in terms of gross amount in the last two years,” aniya.

“But we have to concentrate also on the supply side. I think the supply side and the demand side have to be tackled at the same time,” dagdag ni Remulla.

Kasalukuyang dinidinig ng Quad Committee ng Kamara ang mga umano’y naganap na EJK.

Sa record ng pamahalaan, nasa 6,200 drug suspects ang napatay sa mga operasyon ng pulisya mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021.

Sinasabi naman ng ilang human rights group na posibleng umabot ng hanggang 30,000 ang actual death toll ng war on drugs. RNT/JGC