Home HOME BANNER STORY EJKs ipinadedeklarang heinous crimes sa Kamara

EJKs ipinadedeklarang heinous crimes sa Kamara

139
0

MANILA, Philippines – Inihain sa Kamara ang isang panukala na nagkaklasipika sa extrajudicial killings (EJKs) na isinagawa ng mga opisyal ng pamahalaan, bilang isang uri ng heinous crime.

Kung maipapasa bilang batas, ang mga mahahatulang guilty sa EJK ay maaaring makulong ng habambuhay at walang parole.

Tinukoy ng panukala ang extrajudicial killing bilang isang “deliberate and arbitrary killing” ng sinumang tao na hindi awtorisado ng isang korte.

“This bill seeks to explicitly criminalize extrajudicial killings, ensuring that any individual, regardless of rank or position, who is found guilty of participating in, authorizing, or condoning such acts will face appropriate criminal penalties,” saad sa panukala.

“By defining extrajudicial killing as a specific crime, the bill will strengthen the legal framework for investigating, prosecuting, and punishing those responsible for these heinous acts. The classification of EJK as a heinous crime is a necessary step to restore public confidence in the justice system,” dagdag pa.

Kabilang sa mga mananagot sa pagpatay na ito ay maaaring ang isang public officer, person in authority, agent of a person in authority, o sinumang tao na may nasa ilalim ng kapangyarihan sa pamahalaan.

Ang House Bill 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act ay inihain nina House leaders Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga, House Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez ng Quezon, at Quad Committee co-chairmen Representatives Robert “Ace” Barbers ng Surigao del Norte, Bienvenido “Benny” Abante ng Manyila, Dan Fernandez ng Laguna at Stephen Joseph “Caraps” Paduano ng Abang Lingkod party-list.

Inihain ang panukala kasabay ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng House Quad Committee sa drug war deaths sa nakaraang administrasyon.

Sa rekord ng pamahalaan, nasa 6,200 drug individuals ang napatay sa mga operasyon ng pulisya.

Sinabi naman ng ilang human rights organization na maaaring aabot pa ng 30,000 ang bilang ng mga napatay dahil sa unreported related killings.

Iniimbestigahan na ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte at ilan sa kanyang mga gabinete sa kaugnayan ng mga ito sa mga crimes against humanity para sa “systematic drug war deaths in police operations during his tenure.”

Sa kabila nito, iginiit ni Duterte na ang Pilipinas ay wala sa ilalim ng hurisdiksyon ng ICC dahil sa unilateral withdrawal ng Manila mula sa Rome Statute noong Marso 2019. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here