Home NATIONWIDE Surrogacy scheme na nambibiktima ng mga Pinay paiimbestigahan sa Senado

Surrogacy scheme na nambibiktima ng mga Pinay paiimbestigahan sa Senado

151
0

MANILA, Philippines – Naghain ng resolusyon si Senador Risa Hontiveros para paimbestigahan sa Senado ang mga iniulat na human trafficking sa mga Filipina para sa surrogacy at palitan ng mga sanggol sa ibang bansa.

Sa Proposed Senate Resolution No. 1211 na inihain ng senador nitong Huwebes, Oktubre 10, sinabi ni Hontiveros na kailangan ang imbestigasyon para matukoy ang butas sa kasalukuyang batas at maiwasan ang mga bagong uri ng human trafficking scheme.

“Now, therefore, be it resolved, as it is hereby resolved, to direct the Committee on Women, Children, Family relations, and Gender Equality to conduct an investigation, in aid of legislation, into the reported cases of women being trafficked to become surrogates as part of an infant-trafficking scheme,” ani Hontiveros.

Si Hontiveros, na nagsisilbing chairman ng concerned Senate committee, ay tinukoy ang ulat ng isang ahensya ng pamahalaan na napag-alamang may mga Filipina ang illegal na ibinyahe patungong Cambodia para maging surrogates ng infant-trafficking syndicate.

Aniya, nasa 20 babaeng Filipino ang naipadala a Cambodia at nasagip ng local police.

Labingtatlo sa mga ito ang buntis sa pamamagitan ng artificial na paraan at nahatulan ng human trafficking-related charges ng Cambodian Kandal Provincial Court.

Ang nalalabing pitong babae ay napag-alamang lumabag sa immigration laws at palalayasin sa Cambodia.

Ayon kay Hontiveros, ang mga ito ay narecruit online at karamihan sa mga ito ay alam ang kanilang magiging trabaho sa ibang bansa.

“The Department of Foreign Affairs alerted the public of this new form of human trafficking scheme targeting Filipino women,” ani Hontiveros.

Nauna nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na pinag-aaralan na nito ang paghahain ng reklamo laban sa local perpetrators na nasa likod ng human trafficking sa mga babaeng Filipino na nagiging surrogate mothers sa Cambodia. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here