Home OPINION EKONOMIYA, HUWAG PABAYAAN

EKONOMIYA, HUWAG PABAYAAN

159
0

MABILIS na “tinuldukan” ng Palasyo at idiniin na “walang katotohanan” ang “balita” na “papalitan” na si Customs Commissioner Ariel Nepomuceno. Sa totoo lang, hindi naman balita ang ipinakalat na “balita” dahil sa Customs, “palagi” nang “istorya” na “papalitan” ang nakaupong commissioner, aguy!

Hindi rin naman bawal ang “mangarap” kaya sa mga mahilig sa tsismis, ang ating payo ay… DREAM ON!

***

“Nagsimula” na ang kampanya para sa ‘2028 Presidential Election’ matapos magdeklara ng kanyang pagtakbo bilang presidente si VP Sara Duterte noong isang linggo. Pebrero 18.

Hindi na rin itinago ni Sen. Risa Hontiveros ang kanyang ambisyon at agad nagpabida—sa mga Amerikano—na gusto niyang “mabasbasan” ni ‘Uncle Sam’ sa ginawang pagbisita sa Kalayaan Island kamakailan, kasama ang dakilang “tuta” ng Kano na si Commodore Jay Tarriela.

Hmm. Balak kaya ni Tarriela na ‘mag-apply’ bilang bise-presidente ni Madam Risa para ‘Team USA’ ang itawag sa kanila?

Aba’y “ayos” yan, para sa mga miron dahil “alam na this” ang resulta—pareho silang uuwing “luhaan,” hu!hu!hu!

At siyempre, “galawang presidentiable” na rin ang nakikita ng karamihan sa mga kilos ni DILG Secretary Jonvic Remulla!

***

Sa ganang atin naman, harinawang hindi makalimutan at huwag mapabayaan ni PBBM ang ating ekonomiya sa kabila ng lahat na ‘political noise’ simula ngayon hanggang sa “Halalan 2028.”

Sadyang nakababahala kasi ang “pag-amin” ni Bangko Sentral Governor Eli Remolona dalawang araw matapos ang deklarasyon ni VP Sara, na “suko” na rin at “hindi na kaya” ng BSP na suportahan pa ang ating ekonomiya.

Sa mga lumabas na ulat, ito ang sinabi ni Remelona: “We (BSP) have very limited tools in monetary policy. We’re at the point where monetary policy cannot do much more (for the economy).”

Translation? Nasa gobyerno na ngayon ang “bola” kung paano palalakasin ang ating ekonomiya.

At kung malilihis ang atensyon ni PBBM sa mga isyung pulitika sa halip na tutukan ang ating ekonomiya, wala na tayong masasabi kundi…

‘May God have mercy on us, Amen!’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here