Home HOME BANNER STORY Ekonomiya ng Pinas lumago ng 5.2% sa Q3 —PSA

Ekonomiya ng Pinas lumago ng 5.2% sa Q3 —PSA

MANILA, Philippines – LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.2% sa third quarter ng taon , mas mababa kaysa sa 6.4% na naitala sa nakalipas na quarter.

Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ito ang nagdala sa average gross domestic product growth para sa unang three quarters ng 2024 sa 5.8% na bahagyang mababa sa target ng pamahalaan na 6% hanggang 7% para ngayong taon.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang gross domestic product (GDP) ng bansa —ang kabuuang halaga ng ‘goods and services’ na pinrodus (produced) sa nasabing panahon ay lumago ng 5.2%, sa services sector nakapagtala ng pinakamataas na kontribusyon na 4.1%.

“Industry contributed 1.3% in the GDP growth and Agriculture, Forestry, and Fishing (AFF) industry with -0.2%,” ang sinabi ni Mapa.

Tumaas naman ang gross national income (GNI) ng bansa ng 6.8% at ang net primary income sa 19.3%.

Samantala, sinabi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na nananatili ang Pilipinas bilang isa sa ‘ fastest-growing economies’ sa Asya.

“We follow Vietnam which posted a 7.4% growth rate, and are ahead of Indonesia (with 4.9%), China (4.6%), and Singapore (4.1%),” ayon kay Balisacan. Kris Jose