Home OPINION EL NIÑO PAGHANDAAN

EL NIÑO PAGHANDAAN

163
0

HUWAG nating kalimutang subaybayan ang mga anunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ukol sa lagay ng panahon.

Isa sa mga magaganap umano ang nagsimula nang El Niño na sa ulat ay sinasabing mangyayari pa lang sa huling tatlong buwan ng 2023 hanggang unang tatlong buwan ng 2024 mananalasa.

Sa El Niño, mainit na ang panahon, salat pa ang pag-ulan.

MGA PERWISYO

Nagdadala ng matinding perwisyo ang El Niño at karanasan na rin nating lahat ito.

Isang problema sa Metro Manila, Rizal at Cavite ang suplay ng tubig na malamang na puputol-putol ng isa, dalawa, tatlong araw dahil sa kakulangan ng tubig sa Angat dam.

Alam na natin na ang mangyayari kung maganap ito at may sunog, gusto nating magluto, maligo, dumumi, maglaba at uminom.

Kung mababa ang tubig ng dam, mababawasan din ang nililikha nitong kuryente at naririyan ang brownout at blackout.

Kapag nagbrownout o nagblackout sa maghapon o mas matagal pa, patay na ang hanapbuhay na online gamit ang mga gadget na nalolobat din at iba pang gawain na gamit ang kuryente .

May mga pagkakataong hindi mahagilap ni misis si mister at magtatanong ng “mahal, saan ka ba natulog kagabi?” dahil sa alinsangan sa loob ng bahay.

Sa mga magsasaka, kapag nagbitak-bitak ang mga lupa at wala nang tubig ang mga ilog, mga sapa o pagitan ng mga bundok, patay rin ang mga halaman o pananim na ikinabubuhay nila.

Kapag gumamit sila ng mga deepwell o kumonekta sila sa ilog na may tubig gamit ang generator para mapatubigan ang mga pananim, naririyan naman ang paglamon ng mga kompanya ng langis sa kanilang kita sa mahal ng mga produktong petrolyo ngayon.

ANO-ANO ANG MGA GAGAWIN?

Isa, magtipid sa tubig upang hindi mabilis na maubusan ang mga dam na pinagkukunan natin ng tubig.

Ikalawa, bahala na kayong mag-isip at gumawa ng kaukulang hakbang na batid ninyong nararapat.

 

 

 

Previous articleTITAN SUBMERSIBLE IMPLOSION, ISANG KAPABAYAAN 
Next articleANYARE SA P1B DROGA?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here