Home METRO Election materials para sa BARMM polls, naka-deploy na – Comelec

Election materials para sa BARMM polls, naka-deploy na – Comelec

1
0

COTABATO CITY, Philippines – Naka-deploy na sa mga local hub ang lahat ng election paraphernalia para sa unang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 14, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, dapat maihatid sa 105 munisipalidad at dalawang lungsod ng BARMM ang mga election materials, lalo na ang mga balota, bago sumapit ang Setyembre 8.

“Dapat bago sumapit ang September 8, dapat lahat ng 105 na munisipyo at dalawang siyudad sa Bangsamoro, dapat nasa kanila na ang mga kagamitan, lalo na ang mga balota,” ani Garcia.

Magsasagawa naman ang Comelec ng final testing at sealing ng Automated Counting Machines (ACM) sa Setyembre 12.

Para sa halalan, gagamit ang Comelec ng 160 grams per square meter na papel para sa balota, mas makapal kaysa 100 gms na ginamit noong 2025 elections. Pinalitan din ang water-based marking pens ng oil-based pens na mas mabilis matuyo at inaasahang makatutulong sa mas maayos na pag-scan at pagbibilang ng mga balota.

Ayon kay Garcia, 7,000 ACMs ang naihatid na. May mga ekstrang makina at baterya rin bilang paghahanda sa posibleng aberya.

“Minarapat nating magkaroon ng excess na mga makina. 10 bawat munisipyo; 30 naman kapag dalawang siyudad. May mga dagdag din na baterya,” sabi niya.

May kabuuang 5,212 voting precincts sa 105 munisipalidad at mga lungsod ng BARMM, habang nasa 2.393 milyon ang rehistradong botante.

Sa final command conference sa Parang, Maguindanao del Norte, sinabi ni Garcia na umaasa siyang aabot sa 65% hanggang 70% ang voter turnout.

“Ang sinasabi ko nga kahit 65-70% sana ma-achieve natin. Huwag naman baba sa 50% [dahil] parang wala namang ka effort effort ang Comelec at lahat ng stakeholders, kasama ang mga Bangsamoro government,” ani Garcia. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here