Home METRO Electoral sabotage case, target ng Comelec vs pre-shaded ballots sa Basilan

Electoral sabotage case, target ng Comelec vs pre-shaded ballots sa Basilan

1
0

MANILA, Philippines — Posibleng sampahan ng electoral sabotage ang mga nasa likod ng pre-shading ng mahigit 16,000 official ballots sa Maluso, Basilan, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na tiyak na magkakaroon ng pananagutan sa insidente, na nakaapekto sa 16,653 balota sa 36 polling precincts sa bayan.

“That is an election offense. At the same time, we will look into the possibility of it being an electoral sabotage case as well,” ani Garcia.

Dahil sa insidente, inilagay ng Comelec sa kontrol nito ang Maluso habang iniutos ang agarang pag-imprenta ng kapalit na 16,653 balota sa National Printing Office.

Ang mga bagong balota ay dadalhin sa Zamboanga City bago ihatid sa Basilan upang maipagpatuloy ang pagboto sa mga apektadong presinto.

Ayon kay Garcia, may umiiral nang protocol ang Comelec para sa ganitong sitwasyon at agad ding inabisuhan ang mga electoral board at botante tungkol sa pagkaantala.

Ang electoral sabotage ay isang special election offense na maaaring magresulta sa mabigat na parusa kapag napatunayang pasok sa mga rekisito ng batas ang ginawang manipulasyon sa boto.

Patuloy na iniimbestigahan ng Comelec kung sino ang responsable sa pre-shaded ballots. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here