Home ENTERTAINMENT Elias, sinulot sa dating manager?

Elias, sinulot sa dating manager?

Manila, Philippines- Unquestionably ay sikat na nga ngayon sa socmed ang internet personality, ang band vocalist at ang reggae musician na si Elias.

Si Elias, Elias Lintucan Jr. in real life, ay tubong Mindanao na dating bokalista ng Kalumad Band, at ngayon ay kaanib na raw sa ibang grupo ng banda.

Siya rin ang admin ng Facebook page na Elias TV na as of press time ay meron nang 5.1M followers.

Nagsimulang mag-ingay si Elias sa socmed at nag-viral dahil sa kakaibang klase ng paggiling at energetic na pagkaldag na kanyang ginagawa kapag meron siyang performance, na sinasabayan niya ng pagsigaw ng “Ouhahay!”

Sumikat ang dance move ni Elias na sinasayaw ngayon ng iba’t-ibang sikat na personalidad kabilang na si Vice Ganda.

Sa ngayon ay naiipit si Elias sa kontrobersiya ng dati niyang manager na si Kalumad, at ng bago niyang manager, ang tumatakbong kandidato bilang board member ng Zamboanga del Norte na si Beverly Labadlabad.

Ang kuwento ng isang insider, kinuha diumano ni Beverly ang serbisyo ni Elias kasama ang Kalumad band para mag-perform sa kanyang birthday celebration sa Dipolog City.

Si Kalumad, na dating manager ni Elias ang kausap ni Beverly.

Ang isa raw sa mga naging isyu sa gig na ‘yon ay ang accommodation ni Elias na malayo sa lugar ng performance.

Bukod dito ay naging isyu rin daw ang pagkain kung saan nagutom si Elias at ang banda bago nagsimula ang performance.

Diumano, hindi raw nakasama si Kalumad habang on the way na si Elias sa venue.

Nakasakay daw noon si Elias sa sasakyan ni Beverly at lingid sa kaalaman ni Kalumad, diumano ay kinukumbinsi na raw pala ng pulitiko ang singer na umalis na sa dating manager at pumirma na sa kanya ng kontrata bilang bagong manager.

Naging mabilis daw ang pangyayari at nagulat na lang si Kalumad dahil nalaman na lang daw niya sa ibang tao na hindi na siya ang manager ni Elias at nakapirma na raw ito ng kontrata kay Beverly.

May nagsabi naman na wala raw kasing kontrata si Elias at si Kalumad at ang namamagitan lang sa dalawa ay tiwala.

May ilang mga malalapit sa banda ang nagsabi na sinulot daw diumano ni Beverly si Elias kay Kalumad para magkaroon ito ng clout na magagamit niya sa politika.

Sa ngayon ay may balitang nagkakagulo raw ang schedules ni Elias dahil marami raw itong natanguan na mga gigs na diumano ay hindi niya nasisipot.

May ibang mga organizers at producers na raw ang nagrereklamo at diumano ay nagdedemand na ibalik sa kanila ang down payment.

In the spirit of fairness, bukas ang Remate Online sa panig ni Beverly, ni Kalumad at ni Elias. JP Ignacio