MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang PHP6.8 milyon halaga ng shabu at inaresto ang dalawang suspek sa isang buy-bust operation sa Barangay Camanjac, Dumaguete City noong Mayo 1.
Kinilala ang mga suspek na sina “Gege” (37) at “Jeb-jeb” (22) na mula sa Pamplona.
Nakumpiska ang humigit-kumulang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu.
Kapwa silang kabilang sa high-value targets ng pulisya.
Ito na ang ikatlong malaking drug bust sa probinsya ngayong linggo, kaya iniimbestigahan na ang posibleng pagkilos ng drug syndicate sa Negros Oriental. RNT