Home NATIONWIDE Emergency loan alok ng GSIS sa epekto ni Tino

Emergency loan alok ng GSIS sa epekto ni Tino

316
0

MANILA, Philippines – Nag-alok na rin ang Government Service Insurance System (GSIS) ng nationwide emergency loan program para sa mga aktibong miyembro at pensioner kasunod ng deklarasyon ng state of national calamity dahil sa Bagyong Tino at bilang paghahanda sa paparating na malakas na bagyo Fung-Wong.

“As our kababayans reel from the wide devastation of Typhoon Tino and as we brace for more calamities due to La Niña, the rapid financial relief for our public sector workers and retirees becomes more critical,” ani GSIS President Wick Veloso.

Maaaring umutang ang mga kwalipikadong aktibong miyembro ng hanggang PHP20,000, habang ang may umiiral na emergency loans ay puwedeng mag-renew at umutang ng hanggang PHP40,000, bawas ang anumang outstanding balance.

Maaari ring mag-aplay ang mga old-age at disability pensioner kung mananatili ang hindi bababa sa 25 porsyento ng kanilang basic monthly pension matapos ang loan deduction.

Bukás ang aplikasyon mula Nobyembre 7, 2025 hanggang Pebrero 7, 2026 sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app. Ang loan ay babayaran sa 36 pantay-pantay na buwanang hulog na may 6 porsyentong interes kada taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here