Home METRO Emergency vehicles, pinamahagi sa mga LGU

Emergency vehicles, pinamahagi sa mga LGU

227
0

BATANGAS, Philippines — Ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang lahat ng local government units (LGUs) ay makakakuha ng hindi bababa sa isang patient transport service vehicle (PTV) sa pagtatapos ng taon ay game changer, sinabi ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez nitong Biyernes.

Sinabi ni Romualdez na ang pagbibigay sa mga LGU ng kahit isang PTV ay isang hakbang tungo sa pagpapalakas ng sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng bansa, na binabanggit na ito ay isang “lifeline extended to the farthest barangay.”

“As the first responders in any crisis, our LGUs must be fully equipped. These are not mere transport units—they are instruments of hope and survival. They will bring urgent care to communities where clinics or hospitals may be hours away,” saad ni Romualdez.

Nag turnover ng mga PTV sa mga LGU sa Luzon si Marcos noong Miyerkules, sinabi na lahat ng 1,642 LGU ay makakatanggap ng kahit isa sa mga emergency na sasakyan.

Ayon kay Marcos, ito ay dahil lahat ng Pilipino ay karapat-dapat na makakuha ng mga serbisyong medikal.

“To those who have yet to receive their PTVs, my promise and my instruction is that by the end of 2025, we should say that all cities and municipalities in the country have a PTV,” ayon kay Marcos.

“Because in this administration, every Filipino has the right to accessible medical services,” dagdag niya.

Ayon pa kay Marcos, may kabuuang 387 PTV ang nai-turn over sa Luzon: 30 para sa Ilocos Region, 72 para sa Cagayan Valley, 100 para sa Central Luzon, 27 para sa Calabarzon, 59 para sa Mimaropa, 64 para sa Bicol Region, at 35 para sa Cordillera Administrative Region.

Sinabi rin ng Pangulo na 123 PTVs ang ilalaan sa local government units sa Eastern Visayas at 105 sa Mindanao.

Ang bawat PTV ay nilagyan ng mahahalagang kagamitang medikal, isang stretcher, tangke ng oxygen, monitor ng presyon ng dugo, at iba pang mga supply upang matiyak ang ligtas at napapanahong transportasyon ng mga pasyente.

Hindi tulad ng mga ambulansya, ang mga PTV ay inilaan para sa mga pasyente na may mga kondisyon na hindi nagbabanta sa buhay. Kabilang dito ang mga naka-iskedyul na medikal na pagbisita, regular na pagsusuri, at paglabas sa ospital. Ang paggamit ng mga emergency blinker at sirena ay mahigpit na ipinagbabawal.

Ayon kay Romualdez, hindi dapat maging hadlang sa pagbibigay ng serbisyong medikal ang lokasyon ng tahanan.

“The distance of a person’s home should not be a hindrance to provision of first aid or medical assistance. That’s why we wholeheartedly support initiatives that would bring medical services closer to each corner of the country.”

Sinabi din ni Romualdez na susuportahan ng Kamara ang agenda ng pangangalagang pangkalusugan ng administrasyon upang matiyak na mapangangalagaan ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga nasasakupan.

“With every PTV we turn over, we’re bringing government closer to the people, and proving that Bagong Pilipinas is not just a slogan, but a promise kept,” saad nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here