Home METRO Top 4 most wanted nalambat sa Las Piñas

Top 4 most wanted nalambat sa Las Piñas

237
0

LAS PIÑAS, Philippines – Kaugnay sa pinaigting na kampanya laban sa may mga kasong indibidwal ay nadakip ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Las Piñas City police ang top 4 most wanted person (MWP) Huwebes ng umaga, Hulyo 10.

Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Sandro Jay Tafalla ang inarestong suspek na si alyas Daddy Pit, 71.

Ayon kay Tafalla, inaresto si alyas Daddy Pit sab isa ng isinilbing warrant of arrest ng WSS dakong alas 8:30 ng umaga sa kahabaan ng Padre Diego Ciera Avenue, Barangay Pulang Lupa Uno, sa lungsod.

Ang warrant of arrest na inisyu ni Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) Judge Nerina C.N. Anastacio-Mendinueto ng Branch 199 ay may kaugnayan sa kasong sexual assault at acts of lasciviousness ng suspek na may Criminal Case Nos. 25-0661 at 25-0662.

Kasabay nito ay sinabi ni Tafalla na ang inisyung warrant of arrest ng korte ay may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa na nagkakahalaga ng ₱200,000 sa bawat kasong kinahaharap ng suspek.

Sa pagsisilbi ng warrant of arrest ay nanatili lamang na tahimik ang suspek habang binasahan ito ng kanyang mga karapatan o Miranda rights.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City police ang suspek habang naghihintay ng commitment order mula sa korte para sa kanyang paglipat sa Las Piñas City jail. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here