Home ENTERTAINMENT Enchong, may patutsada sa Senado!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Enchong, may patutsada sa Senado!May 26, 2026 16:24540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – “Sumakses” nang talaga si Sen. Pia Cayetano sa kanyang emote sa Senado.Nadagdagan na naman kasi ang bilang ng mga artistang naglabas ng hanash na “inspired” ng eksena ng senadora.Presenting Enchong Dee and his cryptic post on Instagram.Ipinost kasi ng Kapamilya actor ang quote mula sa American politician-lawyer Steve Bullock.It reads: “Political grandstanding might make for great soundbites for the evening news, but it will do nothing to help the people.”May kalakip itong caption na: “Nakakahiya naman sa sambayanang Pilipino… kamusta na kaya ang kalagayan ng kababayan natin? May nangamusta ba sa atin?”Bale ba, naka-tag pa ang post na iyon bilang location ang Senado ng Pilipinas.Obyus namang para kay Pia ang patutsadang iyon ni Enchong, ‘no!Matatandaan na nag-emote si Pia bilang reaksyon sa tinuran ni Sen. Risa Hontiveros.Any reaction to Enchong’s post, Pia? Ronnie Carrasco III