MANILA, Philippines – Hindi nakapalag si Senador Imee Marcos sa pagbatikos ng minorya sa pamumuno ni dating Senate President, minority leader Vicente Sotto III sa ipinalabas na fake news video hinggil sa pagsusulong ng charter change ng minorya sa Senado.
Sa magkakahiwalay na mosyon upang segundahan ang panukala ni Senador Juan Miguel Zubiri na tanggalin sa records ng Senado ang video na nagpaparatang na niluluto ng minorya ang charter change upang manatili sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kanyang speech, sinabi ni Zubiri na pangunahing tumututol sa Charter change kahit sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Senate president na pawang unparliamentary o walang galang sa mga kasamahan sa Senado ang paratang ni Imee.
Aniya, sobrang fake news at sobrang propaganda ang ipinamamarali ni Imee sa kanyang video presentation na nagbibigay ng maling impormasyon hinggil sa minorya, kabilang ang paratang na pawang “Duwag 11” o “Bulaga 11” ang minorya.
“Inday Badiday na ba tayo dito sa Senado?” Zubiri said, invoking the late showbiz talk-show host known for gossip. “We’re a circus. I apologize to those who are watching. They think we’re a circus.”
Kinuwestiyon ni Zubiri kung bakit sila (minorya) isinama sa video na nagsusulong ng charter change sa kabila ng katotohanang wala ni isang miyembro nito ang pumapabor sa charter change.
Bukod kay Zubiri at Sotto, kabilang sa “Solid Block 11” sina Senador Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Lito Lapid, JV Ejercito, Win Gatchalian, Panfilo Lacson, Erwin Tulfo at Raffy Tulfo na lahat tumindig upang segundahan ang mosyon ni Zubiri.
“Bakit isinama kami diyan sa propaganda na ‘yan, na dahil kami, ano ‘yun, duwag?”
Zubiri reminded the chamber that the Senate had earlier stood together to block a People’s Initiative push for Charter change backed by the House and Malacañang. “Kaya wala kaming kinalaman diyan,” aniya.
Inakusahan naman ni Sotto ang video na pawang walang katotohanan dahil walang pinag-usapan sa kanilang pulong ni House Speaker Bodjie Dy kundi ang biruan hinggil sa pagtataas ng edad ng kandidato sa presidente at gawing regional ang representasyon sa Senado tulad noon.
“I have never been in favor of Cha-Cha, Charter Change, never,” he said. What the country needed, he added, was “Character Change,” ayon kay Sotto.
Nilinaw din ni Pangilinan na bilang dating chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments, walang isinagawang pagdinig hinggil sa Charter change.
“That in itself is proof that it is haka-haka, this conspiracy to commit or to amend the Constitution for whatever reason — self-serving, term extension… These are lies,” aniya.
Ayon kay Aquino, nagpupulong ang minorya dalawa o tatlong beses kada linggo at hindi pinag-uusapan ang Charter change.
“If we were just asked … if we counted now, maybe we’d get 24 who wouldn’t agree to Charter Change. Maybe we’d see 24 who wouldn’t agree to no election. So, to say that the minority, … that’s wrong, that’s fake news, that’s misinformation,” ayon kay Aquino.
Dismayado rin si Hontiveros sa bagong kuwento ni Imee na patuloy na nagpapabagsak sa integridad ng Senado. “May bago na naman pong kuwento. Ibang istorya na naman po ang gusto ngayong linggo. Nakakahiya na. Araw-araw na lang bang ganito?” tanong niya.
Kasabay nito, naghatid naman si Senate President Alan Peter Cayetano ng mahabang privileged speech kung saan hinikayat niya ang mga kasamahan na sipatin ang video ni Imee tulad ng mga interview na kanilang ginawa sa media na bumabatikos sa kanyang liderato.
Hiniling din ni Cayetano kay Imee na bawiin ang video na ginawa naman nito. Ernie Reyes