MANILA, Philippines- Nanawagan si Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. sa lahat ng stakeholders na tukuyin ang mga karagdagang lokasyon para sa energy storage systems sa Visayas region.
Ito ang bahagi ng naging talumpati ng Pangulo sa ceremonial energization ng Cebu-Negros-Panay 230KV Backbone Project sa Bacolod City, Negros Occidental.
”I implore all our stakeholders in the Visayas to strategically identify suitable locations that will host new baseload generation plans as well as renewable energy and energy storage systems,” ayon kay Pangulong Marcos.
”This will bolster energy sufficiency and sustainability in Negros and Panay,” dagdag na wika nito.
Hinikayat din ng Pangulo ang private generators ”to invest in Negros and Panay sub-grids so that the region can meet its energy demands and ensure self-sufficiency in the long run.”
Matatandaang sa unang bahagi ng taon ay nakaranas ng power outage ang Panay na nauwi sa P3.8 bilyong halaga ng pagkalugi sa ekonomiya.
Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines na ang Cebu-Negros-Panay Backbone, kinabibilangan ng Negros-Panay Interconnection Project Line 2, ay naglagay ng tatlong stages at ang huli ay nakumpleto nito lamang Marso 27, 2024.
Sinabi ng NGCP na napunan nito ang umiiral na Amlan-Samboan submarine cable na kasalukuyang ginagamit para makakonekta sa Cebu at Negros islands.
Ang unang stage ng CNP Project ay nagdagdag ng bagong 230kV transmission line mula Bacolod tungong E.B Magalona, habang sa 2nd stage ay ini-upgrade ang Cebu Substation sa 230kV level.
Idinagdag pa nito na ang CNP ay naglagay ng 670 transmission towers saklaw ang 442 circuit kilometro ng overhead lines, 98.9 circuit kilometro ng submarine cables na may 10 bagong substations at ang pinalawig na dalawang umiiral na pangunahing substations.
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na magtutulungan naman ang national government, local government units, at pribadong sektor na pabilisin ang permit issuance sa energy projects at pagkuha ng right of way para sa transmission lines. Kris Jose