MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Malacañang ang kumakalat na balita ng “energy lockdown” simula Abril 20.
“Fake news ito,” sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro.
Ito ay tugon ni Castro sa social media post na hinihikayat ang publiko na abisuhan umano ang kani-kanilang pamilya at kaibigan tungkol sa umano’y energy lockdown.
Sa post ay hinikayat ang publiko na maghanda ng “power bank, solar equipment, rechargeable fan, flashlight, candles, lamps, foods, medicines [and] water” sa paghahanda sa umano’y implementasyon ng energy lockdown.
Hinimok naman ng Palasyo ang mga netizen na huwag mag-share ng mga maling impormasyon sa social media.
Hindi nakikita ang energy lockdown sa ngayon dahil patuloy naman ang pagkuha ng pamahalaan ng alternatibong fuel source sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East. RNT/JGC