MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang rider sa pagdaan sa EDSA busway sa Ortigas northbound at pagkabangga sa isang tauhan ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT). Depensa ng rider, nawalan umano siya ng preno.
Batay sa video ng SAICT, makikita sa ulat nitong Biyernes, tinangkang sitahin ng mga tauhan ng DOTr-SAICT ang rider.
Subalit, diretso sa pagtakbo ang rider at nasagasaan pa ang isang enforcer.
Gayundinm, nasapul nito ang isang siklista nang dumaan ito sa bike lane.
Naabutan at nahuli naman ng SAICT ang rider.
Isinailalim ang rider sa imbestigasyon sa Land Transportation Office main office.
Samantala, desidido ang SAICT na kasuhan ang rider ng hit-and-run.