MANILA,Philippines – Magiging maikli ang preparasyon ng Gilas Pilipinas para sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand.
Ayon kay head coach Norman Black, inaasahan niyang masimulan agad ang ensayo tuwing Lunes kasabay ng pagbubuo ng koponan.
Paliwanag ni Black, mahirap ang sitwasyon dahil karamihan sa mga manlalaro ay may obligasyon sa kani-kanilang liga at koponan, kabilang sina Ray Parks at Matthew Wright na kasalukuyang naglalaro sa Japan.
Dahil dito, inaasahang walong araw na diretsong ensayo lamang bago ang mismong kompetisyon ang magagawa ng koponan.
Gayunpaman, naniniwala ang coach na makakatulong ang regular na ensayo kahit isang beses kada linggo upang masanay ang mga manlalaro sa sistema.
Kasama sa listahan ng mga nag-commit sina Justin Brownlee, Ange Kouame, Remy Martin, Jason Brickman, Dave Ildefonso at Veejay Pre. Apat pang manlalaro ang hinahanap ni Black, partikular sa posisyong malalaki at galing sa collegiate leagues.GP