Home NATIONWIDE Environmentalist-graduates pinaalalahanan ni Villar

Environmentalist-graduates pinaalalahanan ni Villar

Tinagubilinan ni Villar ang environmentalist-graduates na gawin ang kanilang papel at responsibilidad na pangalagaan ang kapaligiran upang matiyak ang sustainable future sa kasalukuan at sa hinaharap na henerasyon. Cesar Morales

Tinagubilinan ni Senator Cynthia Villar ang environmentalist-graduates na gawin ang kanilang papel at responsibilidad na pangalagaan ang kapaligiran upang matiyak ang sustainable future sa kasalukuan at sa hinaharap na henerasyon.

“The challenges are big, but your potential to make a positive impact is even greater,” sabi niya. Ang senador ang Special Guest sa ginanap na Volunteers’ Graduation of the Philippine Wildlife Rangers and Environmental Enforcers (PWREE) sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP), nitong Linggo, May 12.

Nakatanggap din sa nasabing okasyon ang senadora bilang Master Conservator dahil sa kanyang kontribusyon sa konserbasyon ng wildlife at ng mga naninirahan dito. RNT