Home NATIONWIDE Pilipinas mananatiling biggest importer ng bigas sa 2025 – USDA

Pilipinas mananatiling biggest importer ng bigas sa 2025 – USDA

MANILA, Philippines – Inaasahang mananatili bilang ‘biggest importer’ ng bigas ang Pilipinas pagsapit ng 2025.

Sa datos na inilabas ng United States Department of Agriculture (USDA) sa monthly global grains report nito ngayong Mayo, inaasahang tataas ang rice imports ng Pilipinas sa mga susunod na taon sa 4.1 milyong metriko tonelada.

“[T]he Philippines imports are forecast up to a record 4.2 million tons on continued growth in consumption. The Philippines is expected to again be the largest global rice importer,” saad sa report.

Binanggit ng USDA ang inaasahang paglago sa populasyon at turismo para taasan din ang imports. Sa pinakahuling datos ay nasa 109.03 milyon na ang populasyon noong Mayo 2020, at mahigit dalawang milyong dayuhang turista ang dumating sa bansa mula Enero hanggang Abril 2024.

Ngayong taon, inaasahan ng USDA na mag-aangkat ang Pilipinas ng 4.1 milyong MT, o upward revision mula sa 3.9 milyong MT noong Pebrero. RNT/JGC