Home NATIONWIDE Epekto ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam, maliit lang

Epekto ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam, maliit lang

SAN GUILLERMO, Isabela – Nilinaw ng pamunuan ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS na minimal lamang ang epekto ng pinakawalan nilang tubig mula sa Magat Dam.

Ayon kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager A ng NIA-MARIIS, kahapon, ika-27 ng Disyembre ay nagbukas sila ng isang Spillway Radial Gate ng Magat Dam na mayroong isang metrong opening upang bigyang daan ang mga pag-ulang nararanasan sa lalawigan ng Isabela dahil sa Amihan.

Nilinaw nito na walang kinalaman ang pagpakawala nila ng tubig sa mga nangyayaring pagbaha sa Downstream partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Aniya, kahapon lamang sila ng alas-dose ng tanghali nagpakawala ng tubig at sa oras na iyon ay mayroon nang nararanasang pagbaha sa naturang lalawigan.

Matapos silang magpakawala ng tubig ay aabutin pa ito ng halos isang araw bago marating ang bahagi ng Cagayan.

Sa ngayon ay wala namang posibilidad na magdagdag pa sila ng bubuksang gate dahil patuloy ang ginagawa nilang monitoring sa water level ng Magat River dahil hangga’t mataas ang antas ng tubig sa mga ilog ay hindi na sila magdaragdag ng papakawalang tubig.

Kung kayat ang pagbaha sa ilan bahagi ng Cagayan ay walang walang kinalaman sa pagbaha sa naturang lalawigan. REY VELASCO