Home METRO Christmas tree sa Freedom Park ng Dumaguete, nasunog!

Christmas tree sa Freedom Park ng Dumaguete, nasunog!

MANILA, Philippines – Tinupok ng apoy ang 30 talampakang Christmas tree sa Ninoy Aquino Freedom Park sa Dumaguete City nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 27.

Ayon kay Fire Officer 1 Juvan Carcedo, nilamon na ng apoy ang Christmas tree nang dumating ang mga bumbero.

Sinubukan pa ng mga tauhan ng Civil Security Unit na apulahin ang sunog ngunit bigo ang mga ito.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog ngunit siniguro ni Carcedo sa publiko na ligtas ang magtungo sa naturang parke at capitol grounds.

May sariling circuit breaker ang naturang Christmas tree.

Inaalam pa ang halaga ng pinsala. RNT/JGC