Home NATIONWIDE BI nagpaalala sa annual report requirement ng mga foreigner

BI nagpaalala sa annual report requirement ng mga foreigner

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Disyembre 28 sa mga registered foreigner sa bansa na magpasa ng kanilang annual report sa unang dalawang buwan ng 2025.

Ang annual report ay compliance sa Alien Registration Act, na nag-oobliga sa lahat ng dayuhan na may immigrant at non-immigrant visas na magreport sa ahensya sa loob ng unang dalawang buwan ng bawat calendar year.

Kabilang sa mga registered foreign nationals ay ang mga nagtatrabaho, naninirahan o nag-aaral sa bansa na may alien certificate of registration I-Cards.

Ang physical annual report para sa BI head office ay gagawin sa 4th Level Center Atrium ng Robinsons Manila sa Ermita, at Government Service Express Unit ng SM Mall of Asia sa Pasay City, mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Tatanggap din ang mga opisina ng BI sa buong bansa sa annual reporting. RNT/JGC