Home NATIONWIDE Equal Access Bill ng Muslim IPs sa public cemeteries, sinuportahan sa Senado

Equal Access Bill ng Muslim IPs sa public cemeteries, sinuportahan sa Senado

142
0

MANILA, Philippines – Sinuportahan saka ipinanawagan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng pantay na karapatan ang Muslim at miyembro ng IP communities sa public cemeteries.

Sa kanyang “supportive interpellation” ng Senate Bill 1273 ni Padilla, pinuri ni Pimentel si Senador Robin Padilla sa pag-isip, pag-akda at pag-sponsor sa panukalang batas.

“Napapanahon at dapat suportahan,” ayon kay PImente.

Inihain sa Senado ang panukalang bigyan ng pantay na karapatan ang lahat ng muslim at IP communities na mailibing sa lahat ng public cemeteries sa buong bansa.

“Actually, I think this is a very timely measure, especially that our sponsor has received actual real life experiences na sinasagot ng panukalang batas na ito… This is a measure we should support,” ani Pimentel.

Ipinunto ni Padilla, na tagapangulo ng Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs, na ihinain niya ang panukalang batas matapos malaman ang “real-life experiences” kung saan nagkakaproblema ang mga Muslim at IP sa paghanap ng burial grounds para sa yumaong mahal sa buhay.

Ani Padilla, nakakagalit ang mga insidente tulad ng pag-displace ng 100 labi sa Muslim cemetery sa Quezon City at Montalban dahil sa gawain ng quarrying company.

Dagdag niya, hinaharap ng maraming IP ang pagsunod sa burial traditions nila lalo sa Metro Manila dahil kailangang ibalik sa probinsya nila ang labi.

“Ito pong panukalang ito, ito ay ibinunga ng napakaraming malungkot na karanasan ng kapatid nating Muslim at katutubo. Katunayan, may hakbang ang NCIP, sila rin nakausap natin at sila may position na talagang merong discrimination pagdating sa katutubo,” aniya.

Nagmungkahi din si Pimentel ng panukalang mapabuti ang panukalang batas, kabilang ang floor plan para sa public cemeteries at ang hindi pagpayag sa donors ng burial lots para maimpluwensya ang pag-partition ng mga sementeryo. Pumayag dito si Padilla.

“Katanggap-tanggap ang nais ninyong amendment,” aniya kay Pimentel, na nagsabing pormal niyang imumungkahi ito pag tatalakayin ang pag-amyenda sa panukalang batas. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here