Home NATIONWIDE ERC nag-isyu ng provisional approval sa Meralco-SPPC deal

ERC nag-isyu ng provisional approval sa Meralco-SPPC deal

MANILA, Philippines – Nagbigay ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng provisional approval para sa power supply deal ng Manila Electric Company (Meralco) at San Miguel-led South Premiere Power Corporation (SPPC).

Sa pahayag nitong Miyerkules, Hunyo 12, sinabi ng ERC na nag-isyu ito ng kautusan na may petsang May 9, 2024, na pumapayag sa Meralco na kumuha ng suplay ng 910 megawatts (MW) mula sa 1,200-MW lijan Natural Gas Plant ng SPPC sa base rate na P5.9282 per kilowatt-hour.

Noong Enero, inanunsyo ng Meralco na nakuha ng SPPC agn kabuuang 1,200-MW 15-year power supply agreement (PSA) sa power distributor, sa pagiging lowest bidder nito.

Sa kabila nito, sinabi ng ERC na nagbigay ito ng provisional authority sa Meralco-SPPC deal dahil nakita sa evaluation na ang 290-MW capacity ay nakakontrata pa rin sa naunang kontrata sa pagitan ng dalawang partido.

Sa naturang kontrata, ang mid-merit supply na magtatapos sa Disyembre 2024, ay naunang nabigyan ng authority ng regulator sa rate na P5.1363 per kWh.

Sinabi ng regulator na ang blendede generation rate ng Meralco, na nagresulta mula sa pag-apruba sa PSA at mga umiiral na kontrata, “will be lower by an estimated amount of P0.2828 per kWh, subject to adjustment after the Commission’s deliberation on the PSA’s final authority.”

“Thus, the Commission ordered the parties to continue honoring the subsisting contract and lower rate in respect of the 290 MW capacity,” ayon sa ERC. RNT/JGC