MANILA, Philippines- Asahan na ng mga kustomer ang refund sa kanilang electricity bills, sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) nitong Miyerkules sa private distribution utilities na ibalik ang natitirang halagang kinolekta mula sa consumers para sa halaga ng regulatory reset.
Ayon sa ERC, ang nasabing refund — mula 4.76 centavos per kilowatt-hour (kWh) hanggang 31.90 centavos per kWh — ay ipatutupad sa loob ng isang buwan para sa karamihan ng PDUs, malaiban sa Clark Electric Distribution Corporation na magpapatupad ng refund sa loob ng dalawang buwan.
Inisyal na inaprubahan ng ERC na kolektahin ang nasabing refund “in order to engage technical exports for the periodical regulatory rate reset,” subalit sinabi ng ahensya na walang actual payments dahil “experts were not engaged.” RNT/SA