Home ENTERTAINMENT Erika Balagtas, nagdalawang-isip maghubad!

Erika Balagtas, nagdalawang-isip maghubad!

Manila, Philippines- Sa mediacon ng Vivamax flick na Cita ay inamin ng sex siren na si Erika Balagtas na sa una ay nagdalawang-isip siyang magpaka-daring sa shoot.

FYI, si Erika ay apo ng beteranong direktor na si Kaka Balagtas.

Kilala naman daw ni Erika ang kanyang lolo Kaka pero hindi sila close.

“Nu’ng sinabi sa akin na magsu-shoot ako, hindi

ko alam na magpapa-sexy pala ako sa movie pero tinanggap ko na rin.

“Kaya lang naman ako hesistant sa una, kasi nailang din ako and hindi pa ako confident pero nu’ng nag-start na ang shoot, na-realize ko na art lang ito and walang masama sa ginagawa namin kaya ipe-pursue ko talaga ang pag-aartista ko sa Vivamax.

“Nakakatawa nga dahil ang akala ko nu’ng una, hanggang two piece lang pero hindi ko alam na may bold pala, pero okay lang.

“Ang limitation ko lang naman talaga sa pagpapa-sexy, ‘yung no touching,” sabi ni Erika.

Kung ikukumlara sa ibang Vivamax artists ay hindi pa talaga ganu’n katapang maghubad si Erika.

“Bata pa lang ako, pangarap ko na ang mag-artista kaya lagi na akong nag-o-audition. Hanggang sa finally, nabigyan ako ng opportunity ng Vivamax,” kwento niya.

Ang Cita ay tungkol sa isang babaeng gagawin ang lahat para sa masaya at maginhawang buhay.

Si Erika ang bibida bilang si Cita.

Kilalanin si Cita, hindi maikakailang maganda at talaga namang kaakit-akit. Siya ay isang supportive na asawa sa isang mayamang haciendero.

Kasama rin sa Cita sina Zia Zamora, Arjay Bautista, Renzo Ruiz, at Francis Mata, sa direksyon ni MJ Balagtas, na anak ni direk Kaka.

Streakming na sa Vivamax ang Cita ngayong June 18. JP Ignacio