MANILA, Philippines- Isasagawa ang second-quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Hunyo 28.
Sa isang social media post nitong Biyernes, hinikayat ng Office of Civil Defense ang partisipasyon ng publiko sa life-saving activity.
Hindi pa inaanunsyo ng opisina ang venue at ang scenario para sa NSED, ang quarterly exercise na naglalayong isulong ang earthquake awareness at preparedness ng publiko.
Nauna nang ipinanawagan ni Defense Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council chair Gilberto Teodoro Jr. na seryosohin ng publiko ang NSED.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kahandaan upang makapagligtas ng buhay at agad na makaresponde sa pangangailangan ng mga komunidad. RNT/SA