Home NATIONWIDE Eroplano ng Delta bumaliktad sa Toronto airport

Eroplano ng Delta bumaliktad sa Toronto airport

CANADA – Sugatan ang 18 pasahero ng Delta Air Lines regional jet matapos itong bumaliktad habang luma-landing sa Toronto Pearson Airport sa Canada.

Tatlo katao sa naturang flight na nagmula sa
Minneapolis-St. Paul International Airport ang nagtamo ng critical injuries, at kabilang sa mga ito ang isang bata.

Sinabi ng US carrier na Delta na ang CRJ900 aircraft na pinatatakbo ng Endeavor Air subsidiary nito, ay nasangkot sa single-aircraft accident na may 76 pasahero at apat na crew na sakay ng eroplano.

Iniimbestigahan na ng Canadian authorities ang sanhi ng aksidente.

Nauna nang iniulat ng Pearson Airport na nakararanas ito ng malakas na hangin at mababang temperatura matapos ang snowstorm na nanalasa noong weekend. RNT/JGC