Home NATIONWIDE Eroplano tumirik sa ere bumulagta sa bukid

Eroplano tumirik sa ere bumulagta sa bukid

Plaridel, Bulacan – Isang training plane na may dalawang pasahero ang napilitang mag-emergency landing sa bukid matapos umanong tumirik ang makina habang nasa himpapawid.

Sa report kay Region 3 Police director PBGEN Jean Fajardo, kinilala ang Flight Instructor sa pangalang Valentine, 50, residente ng Almanza Dos, Antipolo at Student Training Pilot na si Johann, 25 ng Brgy. Banga 1st, Plaridel

Ayon sa report, naganap ang insidente bandang 2:20 ng hapon nitong Biyernes, Marso 28 sa Brgy. Lalangan.

Base sa report, sa kasagsagan ng biyahe sa himpapawid (flight training) ay nalaman ng piloto na huminto umano ang makina ng kanilang eroplanong (1) RPC 896 (2-Seater Training Plane).

Dahil dito, napag-alamang mabilis na naisip ng piloto na mag-emergency landing na lamang sa bukid.

Agad na dinala ang piloto at estudyante sa Marcelo Padilla Hospital para sa medical evaluation at kalauna’y idineklarang hindi nasaktan sa naturang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines para matukoy ang sanhi ng engine malfunction. Dick Mirasol III