Home NATIONWIDE Erwin Tulfo namayagpag sa senatorial survey

Erwin Tulfo namayagpag sa senatorial survey

104
0

MANILA, Philippines- Nanatiling nangunguna si ACT-CIS party-list Representative Erwin Tulfo sa senatorial survey ng OCTA Research para sa 2025 national at local elections.

Batay sa resulta ng Tugon ng Masa survey ng pollster, makikitang 58% ng Filipino adults ang boboto kay Tulfo sakaling tumakbo itong senador sa panahon ng survey period, mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 1.

Mayroong 1,200 lalaki at babaeng respondents na edad 18-anyos na kinapanayam para sa pag-aaral, na may ±3 margin of error sa 95% confidence level.

Pinapili ang respondents ng hanggang 12 pangalan mula sa isang listahan sa pagsagot sa tanong kung sinong iboboto nila kung isasagawa ang 2025 senatorial elections sa araw na iyon.

Samantala, sinundan si Erwin Tulfo ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo, at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, na parehong nakakuha ng 45% para sa ikalawa hanggang ika-apat na pwesto.

Sinundan sila ni dating Senate President Vicente Sotto III sa ikalawa hanggang ika-limang pwesto, sa voting preference na 44%.

Gayundin, sinabi ng 39% ng respondents na iboboto nila si Senator Pilar Juliana “Pia” Cayetano, na nagdala sa kanya sa ika-apat hanggang ika-siyam na pwesto.

Sinundan siya ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na nakatanggap ng 38% para sa ika-lima hanggang ika-10 pwesto.

Kapwa nasa ika-lima hanggang ika-11 pwesto naman sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Senator Francis Tolentino, at dating Senador Panfilo “Ping” Lacson sa 36%, 34%, at 34%.

Samantala, nakakuha si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng 33% para sa ika-anim hanggang ika-13 pwesto.

Lumabas din sa survey results na nakakuha si dating senador Manny Pacquiao ng 32% para sa ika-pito hanggang ika-14 pwesto.

Kapwa nasa ika-10 hanggang ika-16 pwesto naman sina Senator Imee Marcos at dating senador Lito Lapid sa 28%, sinundan ni Interior Secretary Benhur Abalos sa 27% para sa ika-11 hanggang ika-16 pwesto.

Samantala, sina Manila mayor Isko Moreno at Makati Mayor Abigail “Abby” Binay ay nasa ika-12 hanggang ika-18 pwesto sa 23% voting preference.

Matatandaang nanguna rin si Erwin Tulfo sa senatorial preference survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Hunyo 17 hanggang 24. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here