Home NATIONWIDE Paglikha ng 178 bagong public attorney posts oks sa DBM

Paglikha ng 178 bagong public attorney posts oks sa DBM

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng 178 bagong Public Attorney (PA) positions sa buong bansa upang paghusayin ang access sa hustisya at paghahatid ng legal na sebisyo sa publiko.

Nasa 56 PA II at 122 PA I at posisyon ang nilikha sa Public Attorney’s Office (PAO) sa ilalim ng Department of Justice, na mangangailangan ng P336 milyon kada taon, base sa DBM sa isang news release.

“These additional Public Attorney positions will enhance the efficiency and effectiveness of the PAO in delivering legal services to the public, ensuring that every Filipino, regardless of their economic status, has access to justice and representation they deserve,” pahayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

“We are not only improving our legal system but also touching the lives of countless individuals who rely on these services for hope and fairness,” dagdag niya.

Inaatasan ng Section 3 ng Republic Act 9406 ang PAO na magbigay ng libreng legal representation, assistance, at counseling sa indigent individuals sa criminal, civil, labor, administrative, at iba pang quasi-judicial cases.

Mas matutugunan ng PAO sa mga karagdang posisyon ang umiigting na demand para sa legal representation at serbisyo sa bansa base sa DBM.

Batay sa datos ng PAO, hinawakan ng ahensya ang 787,124 kaso at inasistihan ang 849,914 kliyente noong 2021.

Noong 2022, umakyat ang bilang na ito sa 850,753 kaso at 900,079 kliyente.

Ikakasa ang bagong PA positions sa ilalim ng district offices ng PAO sa kada rehiyon, batay sa rekomendasyon ng PAO. RNT/SA