Home NATIONWIDE ‘Escort-for-hire service’ tinatalupan ng PNP-HPG

‘Escort-for-hire service’ tinatalupan ng PNP-HPG

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang isang post sa social media kung saan ibinahagi ang pag-escort ng pulis sa isang sibilyang sasakyan upang makaiwas sa traffic.

“An investigation is already undertaken to determine the veracity of the recent viral posts and misunderstanding related to this matter,” pahayag ng PNP-HPG nitong Biyernes.

Binigyang-diin ng PNP-HPG na hindi nito papayagan ang anumang escort-for-hire services ng mga tauhan nito. 

“We will file the necessary cyber-crime related offenses to those individuals who will post any malicious statements that will malign/tarnish the image of the HPG and the possible criminal and administrative charges for or personnel,” dagdag nito.

Mandato ng PNP-HPG na magpatupad ng batas-trapiko at mga regulasyon at pangasiwaan ang mga krimen sa mga kalsada.

Matatandaang binatikos ang isang babaeng social media user matapos ihayag na nag-hire ang kanyang asawa ng serbisyo ng PNP-HPG upang makaiwas siya sa traffic patungo sa kanyang destinasyon.

Sa nasabing Instagram story, makikita ang PNP-HPG personnel sakay ng motorsiklo sa harap ng kanyang sasakyan.

Tiniyak ng PNP-HPG assured sa publiko ang “thorough and transparent” na imbestigasyon. RNT/SA