Home NATIONWIDE Escudero ipinagtanggol ni VP Sara: ‘Di natatakot ‘yun

Escudero ipinagtanggol ni VP Sara: ‘Di natatakot ‘yun

178
0

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Vice President Sara Duterte si Senate President Francis “Chiz” Escudero mula sa mga kritisismo na natatakot umano ito sa Bise Presidente kung kaya’t nagkakaroon ng delay sa impeachment trial.

“Well, sa pagkakilala ko naman kay Senate President Chiz Escudero ay hindi natatakot ‘yun,” sinabi ni Duterte sa isang ambush interview sa The Hague, Netherlands nitong Martes, Hunyo 3.

“We do not remember him, I do not know him na natatakot na klase na politiko. So hindi ko lang alam saan nanggagaling ‘yung sinasabi na takot si Senator Chiz Escudero. Hindi ko alam saan galing ‘yan,” dagdag pa niya.

Naunang pinalutang ni Akbayan party-list Representative Perci Cendaña ang ideya na posibleng natatako si Escudero kay Duterte.

Iginiit ni Cendaña, nag-endorso ng unang impeachment complaint laban sa Bise Presidente sa Kamara, na ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court ay “a solemn constitutional duty, not a seasonal accessory you put on or discard depending on the political weather, or one’s personal agenda.”

Tinawag naman ni Escudero ang alegasyon ni Cendaña bilang “bait” question.

“Pain naman ang tanong na ‘yun. Ginagawa namin kung ano ang trabaho namin. ‘Yung mga ganyang uri ng komentaryo at pain, uulitin ko—du’n sa mga ayaw kay VP Sara at pabor sa impeachment, do’n sa mga gusto kay VP Sara at tutol sa impeachment—walang bale sa akin ‘yun,” ani Escudero.

Samantala, sa isang panayam ay itinanggi rin ni Escudero na natatakot siya at pinoprotektahan niya si Duterte mula sa impeachment.

“Hindi. Siguro sa tinagal-tagal ko sa pamahalaan at paninilbihan sa publiko, kailanman hindi ako nagpasya base sa takot. Pero kailanman din hindi ako naging tagasunod ninuman,” aniya.

“At kung ‘yang mga mambabatas na ‘yan ay tagasunod ng [Speaker Martin Romualdez] na gustong i-impeach si Vice President Sara, hindi ho ako kasama sa listahang ‘yun,” dagdag pa ng Senate President.

Matatandaan na inimpeach ng Kamara si Duterte noong Pebrero 5 matapos na i-endorso ng mahigit 200 mambabatas ang reklamo.

Ang Articles of Impeachment ay naipasa na sa Senado sa kaparehong araw ngunit nag-adjourn ang Mataas na Kapulungan nang hindi hinaharap ang naturang kaso.

Noong Pebrero 25, sinabi ni Escudero na ang proseso kaugnay sa impeachment trial ni Duterte ay magsisimula sa Hunyo 2.

Sa kabila nito, noong Mayo 29, sinabi ni Escudero na ililipat ang presentation ng articles of impeachment sa Senado sa Hunyo 11 para isaprayoridad ang pagpasa ng mga items sa legislative agenda ng administrasyon bago matapos ang 19th Congress.

Nakatakdang magtapos ang 19th Congress sa Hunyo 30. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here