Home NATIONWIDE Escudero nangako ng pirma sa arrest order vs Guo kung ‘di dadalo...

Escudero nangako ng pirma sa arrest order vs Guo kung ‘di dadalo sa Senate probe

MANILA, Philippines – Nangako si Senate President Francis “Chiz” Escudero na pipirmahan nito ang warrant of arrest laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo kung magkakaroon ng formal motion mula sa Senate committee on women, children, family relations, and gender equality.

Ang pahayag na ito ni Escudero ay kasunod ng pahayag ng mga abogado ni Guo na na-trauma ang suspended mayor at ayaw nang dumalo sa mga susunod na imbestigasyon kaugnay sa nilusob na Bamban POGO hub.

“Kung hindi sila dadalo, nasa kamay ni Senator Risa [Hontiveros] kung siya ay magre-request ng warrant of arrest para sila ay pwersahang padaluhin sa pagdinig ng senado at pipirmahan ko ang warrant of arrest na ‘yun pag ni-request ni senator Risa,” sinabi ni Escudero sa isang panayam.

Si Hontiveros ang umuupo bilang chairman ng Senate committee na nag-iimbestiga sa kaugnayan ni Guo sa illegal POGO hub sa kanyang sariling bayan.

Nakapagpadala na ang Senate committee ng subpoena laban kay Guo, mga magulang nito at mga kapatid. RNT/JGC