Home NATIONWIDE US pwede nang magdeploy ng advanced nuclear technologies sa Pinas

US pwede nang magdeploy ng advanced nuclear technologies sa Pinas

MANILA, Philippines – MAAARI nang mag-deploy ang Estados Unidos ng advanced nuclear technologies sa Pilipinas.

Sinabi ng US State Department na “US-Philippines Agreement for Cooperation in Peaceful Uses of Nuclear Energy already took effect beginning July 2 after it satisfied Washington’s domestic legal requirements, which included a notification from the US Congress.”

“The agreement will enhance our cooperation on clean energy and energy security and strengthen our long-term bilateral diplomatic and economic relationships,” ayon pa sa departamento.

Matatandaang, Nobyembre 2023, kapuwa nilagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos ang nuclear deal kasunod ng negotiation process na pinangunahan ni Vice President Kamala Harris sa panahon ng kanyang makasaysayang pagbyahe sa Maynila.

Inilatag ng kasunduan ang komprehensibong balangkas para sa mapayapang nuclear cooperation sa pagitan ng dalawang bansa para payagan para sa paglilipat ng nuclear equipment at materyales para sa mapayapang paggamit.

“With access to US material and equipment, Manila and Washington would work together to deploy advanced new technologies, including small modular reactors, to support climate goals as well as critical energy security and baseload power needs within the Philippines,” ayon sa ulat.

‘This agreement also establishes non-proliferation criteria that both governments must uphold,” ang sinabi ng US State Department sa kanilang naging anunsyo noong Nobyembre.

“That included observing specific standards for covered items used in civil nuclear energy programs, including International Atomic Energy Agency safeguards; physical protection of covered items; and limitations on enriching, reprocessing, and transferring specific items without the other Party’s consent,” ayon pa rin sa ulat.

Binigyang diin naman ng US State Department ang kahalagahan ng kasunduan habang energy security ay isang tumataas na critical global challenge na nangangailangan ng pagtutulungan at pagsisikap.

Bakit mahalaga ang kasunduan dahil “nuclear energy can help achieve these vital global climate change and energy security targets,​” ang sinabi ng departamento.

​”This agreement builds on the nearly 80 years of peaceful nuclear cooperation between our nations and establishes a framework for continued U​S civil nuclear trade with the Philippines.  This agreement is part of broader U​S efforts to develop the Philippines’ civil nuclear sector​,”ayon pa rin sa departamento.

“Creating a safe, secure, and modern sector requires a skilled workforce, robust regulations, and strong commercial partnerships.  Our government is committed to working with the Philippines to advance each of these areas and we look forward to further building our partnership together​,” dagdag na pahayag ng departamento. Kris Jose