Home ENTERTAINMENT Espada ni Echo sa Panday, inalok kay Boss Toyo!

Espada ni Echo sa Panday, inalok kay Boss Toyo!

360
0

Manila, Philippines- Nadagdagan na naman ang koleksyon ng mga memorabilia sa shop ni Boss Toyo.

Ito’y makaraang ibenta sa kanya ang espadang ginamit ni Jericho Rosales sa TV adaptation ng

Panday na umere sa ABS-CBN noong 2005.

Ang nagbenta ng nasabing prop ay si Nookie, bunsong kapatid ng aktor.

Kasama ni Nookie ang kanyang partner of 25 years.

A self-confessed drug dependent, galing na ng rehab facility ang kapatid ni Echo.

Matagal na raw inuurot ng aktor na ibenta ng kapatid ang espada na nasa pag-lingat nito for 20 years.

Dati ring lumabas sa Season 2 si Nookie sa TV version ng Panday na umabot din sa ikatlong season.

Bagama’t walang ideya si Nookie kung magkano ito, ibinase na lang niya ito sa tagal ng pag-iingat nito.

Ending–he was selling it at P200k.

Isang expert sa production props ang ipinatawag ni Boss Toyo para surlin ang espada.

Sa museum ni Boss Toyo mapapabilang ang espadang ‘yon along with other popular celebrities’ stuff sold. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here