Home ENTERTAINMENT Rebulto ni Ate Guy, itatayo sa Iriga!

Rebulto ni Ate Guy, itatayo sa Iriga!

297
0

Manila, Philippines- Inilabas na ng city government ang planong pagtatayo nito ng istatwa ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor sa Iriga City, Camarines Sur.

Nasa preparatory stage na ito.

Planong itayo ang istatwa katabi ng Philippine National Railways station sa Felix Monte St. sa Barangay San Francisco.

Ito’y kung saan nagtinda noon ng tubig at mani si Nora bago sumali’t tinanghal na kampeon sa Tawag ng Tanghalan.

Inaasahang magiging cultural landmark ang bale tribute na ‘yon para sa nag-iisang Superstar ng bansa.

Dagdag pa ni Iriga City Mayor Wilfredo Rex Oliva, “It’s more than just a statue. It’s an invitation to rediscover Iriga through the lens of history and hope.”

Ang mangyayari–magkakaroon ng half-body life-size statue ni Nora na may sukat na 1.7 metro alongside a 1.4-meter bust na parehong nasa circular platform.

Ito’y may kabuuang 7.6 meters in diameter.

Halos four meters ang magiging taas nito kung saan sa bandang ibaba’y magkakaroon ng depiction ng isang batang babaeng nagtitinda.

Umaasa ang city government na magkakaroon ng tourism boost ang nasabing istraktura. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here