MANILA, Philippines – Tinitignan ng Epartment of Transportation (DOTr) na gayahin ang EDSA Bus Terminal Rapid Transit (BRT) System o EDSA Busway model sa iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila, partikular ang Espana Boulevard sa Manila at Quezon Avenue sa Quezon City.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, mas pinakailangan ay ang Espana hanggang Quezon Avenue.
Sa ngayon, sinabi ni Dizon na walang bus na nagsisilbi sa mga komyuters lalo na sa mga estudyante sa kahabaan ng Espana-Quezon Avenue.
Aniya, nagsasagawa na ng feasibiity study ngayon at ang pagkumpleto ng pag-aaral ay inaasahan sa susunod na taon.
Ayon kay Dizon, maaaring gobyerno muna ang magpapanatili at magpapatakbo nito bago ito isapribado. Jocelyn Tabangcura-Domenden