MANILA, Philippines – Isa lamang ang nakapasa sa special professional licensure examination para sa pharmacists na isinagawa nitong buwan habang 25 test takers ang nakapasa naman sa special exam para sa midwives.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), isang examinee mula sa limang nakapasa sa pharmacists special professional licensure exam, na ibinigay ng Board of Pharmacy sa mga test centers sa Abu Dhabi at Dubai, United Arab Emirates; Jeddah, Saudi Arabia; at Taipei, Taiwan.
Ang matagumpay na examinee ng pharmacists special professional licensure examination ay si IBRAHIM, ZAINAB CALZITA.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng PRC na 25 test takers mula sa 63 ang nakapasa sa special professional licensure examination para sa midwives na ibinigay ng Board of Midwifery sa test centers sa Abu Dhabi at Dubai, United Arab Emirates; Al-Khobar, Jeddah and Riyadh, Saudi Arabia; Doha, Qatar; Salmiya, Kuwait; at Singapore, nito ring buwan ng Hunyo.
Ang mga nakapasa sa special professional licensure examination para sa midwives ay sina;